15 Nobyembre 2010

Star Complex

Family picture: Jacket na pinunit upang maging asymmetrical-sleeved top; pantalon, Jag; bag, Oxygen; combat boots, Gibson's, Quiapo (oo, yung pang-ROTC talaga); kuwintas at mga pulseras, Recto; leather fingerless gloves, hiniram sa nanay kong motorcycle mama at PhD (malamang, hindi na si Mama Mary iyon); at sinturon, hiniram kay Szusza Velasco.


Si Thysz Estrada at si Mike Magallanes na naka-Bleach Catastrophe x Heather Miss Grey top. Ako lang sa aming tatlo ang hindi nagpa-blow dry at plantsa.


Nicola Yulo, Michelle Solinap, Aivan Magno, at Nicole Puentevella.


Si Mike at si Edrick Bruel, kasama ang nanay ni JP Singson na huwaran ng timeless elegance. Gusto kong hiklasin ang Hermes Kelly ni madam. Isang beses talaga.


JP Singson.


Kookie Buhain. Sayang, hindi ko nakunan ang kabuuan ng Jeffrey Campbell Foxy platform heels niya.


Cole.


Mithi Lacaba at Maki Navarrete.


Mithi.


Katrina Ong ng Complex. 


Electrolychee.


Brendan Goco, Nelz Yumul, at Raymund Cifra ng Wee Will Doodle.


Sapatos...



...Sapatos...


...At sapatos pa. Ay, may caps din pala sila.



Meron din silang hoodies at T-shirts. Wow. Puwede palang ibenta yun lahat sa iisang tindahan lang?



Window displays.



13 Nobyembre 2010, Sabado--- may bagong star ang Eastwood Mall. Nagsimulang ilunsad ang Complex Lifestyle Store sa atrium noong 5PM. Bumaha ng mga pika-pika, burgers, at beer sa saliw ng bandang Us-2 Evil-0. Naroon din para magpinta ang mga grupong Electrolychee at Wee Will Doodle.

Maraming salamat kina Garovs Garovillo at Ryan Vergara ng Everywhere We Shoot, at Onyong Castillo at Katrina Ong ng Complex Lifestyle Store para sa pag-iimbita. Salamat din para sa goodie bag. Nagustuhan ko ang notepad, dog tag necklace, lookbook, press kit, at CD ng remixed Bossa Nova classics na ibinigay ninyo.


Kung mahilig ka sa urban street style, magpunta na sa Complex sa ikalawang palapag ng Eastwood Mall. Mayroon din silang branch sa Ayala Center kung ikaw ay nasa Cebu. Puno ang kanilang outlets ng mga paninda mula sa Energie, Ecko, Nooka, Pony, Ray-Ban, G-Shock, Zoo York, Creative Recreation, at Dean and Trent. Kilala ang mga tatak na ito sa paggawa ng pawang magaganda at matitibay na produkto lang, kaya't siguradong sulit ang lakad at gastos mo.




6 (na) komento:

  1. ang ganda ng blog mo. gustong gusto ko ang style mo pare

    TumugonBurahin
  2. Men! Dude! Tsong! Pare!

    Pa-beso naman. Walang malisya.

    TumugonBurahin
  3. Nakaaliw ang blog mo kasi in Filipino! I think you're the only "fashion blogger" na in Tagalog ang bloggey. How do you say, "more power" in Filipino? Hahaha!

    TumugonBurahin
  4. 'Mas maraming kapangyarihan'? Hahahaha. Puwede na ang 'mabuhay ka,' o kaya 'padayon.' The latter means 'onward' in Ilonggo, pero si Santi Obcena na ang gumagamit nun.

    Anyway, salamat! Miss ko na kayong lahat kaagad! :)

    TumugonBurahin
  5. Bongga ang blog mo Stefan! Yun lang! WAGI!!!! ;*

    TumugonBurahin