18 Nobyembre 2010

Suede Camellia: Si Haider Ackermann na nga ba ang Susunod kay Karl Lagerfeld?

Balibalitang magreretiro na diumano sa 2012 si Karl Lagerfeld, ang chief designer ng Chanel. Pinabulaanan naman ito ni Lagerfeld at sinabing mayroon siyang panghabambuhay na kontrata sa tanyag na French fashion house. Nang tanungin kung sino ang gusto niyang pumalit sa kanya, isinagot niyang sa ngayon ay pinipili niya si Haider Ackermann upang magmana ng puwesto.

Pumasok si Karl Lagerfeld sa Chanel bilang chief designer noong 1983. Ang kanyang pamumuno roon ay nagbunsod ng mas interesante at kontemporanyong mga disenyo para sa RTW at Haute Couture lines ng kumpanya habang pinapanatili ang trademarks katulad ng perlas, paggamit ng tweed, camellias, at quilted chain bags. Siya rin ang responsable para sa kasalukuyang anyo ng Chanel 2.55 (Mademoiselle Lock at hindi CC logo ang lock ng orihinal na 1955 bag, at wala ring leather interlace ang chain straps nito).

Chanel Haute Couture A/W 2010-2011.


Chanel RTW S/S 2011.


Si Haider Ackermann ay isang Colombian-born fashion designer na nag-aral sa prestihiyosong Royal Academy of Fine Arts sa Antwerp, Belgium. Bagama't tatlong taon lamang tumagal sa paaralan, malawak naman ang karanasan ni Ackermann sa mundo ng fashion dahil sa pagtatrabaho sa iba't ibang kumpanya. Naglunsad siya ng unang collection noong 2001. Kilala si Haider Ackermann sa paggawa ng leather jackets at vests, at sa paghahalo ng mamahalin at street style.

Haider Ackermann A/W 2010-2011.

  
Haider Ackermann S/S 2011.



_________________________________________________________________________
Dito ko kinuha ang balita at ang mga larawan:


2 komento: