7 Nobyembre 2010, huling gabi ng sikat na himpilang Nu107 sa ere. Nagdagsaan ang mga musikero, tagapakinig, at dating mga empleyado ng istasyon sa harap ng AIC Gold Tower upang magpugay sa ngayo'y-namayapa nang institusyon. Sa labas ay may malalaking amplifiers para sa live broadcast ng natatanging araw habang patuloy ang mga tao sa pagtitirik ng kandila. Sa dami ng beses na napasyal ako sa Ortigas ay noon lang ako nakakita ng ganoon karaming taong nagtipon-tipon sa sulok na iyon.
Kasama kong nagpunta sina Chocs Sta Maria at ang kanyang high school friend na si Mai Navalta.
Faiye del Rosario.
Mavic Basilia at Dax Yee.
Ralph Guibani.
Paul Wenceslao at Karen Ang.
Jade Tamboon
Alex Vincent Medina.
Kenneth Castillo ng UP Underground Music Community.
Nagtulos din ng kandila kami nina Chocs at Mai, pero birthday candles. For a new beginning, di ba? Hindi ko na nga lang nakunan dahil namatay ang camera ko.
Mabusising inayos ang mga kandila sa porma ng logo ng NU107. Salamat kay Kathrina Posada-Jalbuena para sa larawan.
"If I get paid everytime I pose like this, I'd be a millionaire by now." Gusto ko itong tattoo ni Angie Duarte-Syyap.
Dong Abay.
Manix Abrera.
Reg Rubio.
Miro Valera.
Dindin Moreno.
Rico Blanco.
Jason Caballa.
Love team: Quark Henares at Erwin Romulo.
Marie Jamora.
Paolo Jose Cruz.
Mich Dulce.
Kate Torralba.
Annicka Dolonius at Mia Ayesa.
Sanya Smith.
Mag-asawang Nikita Obligacion-Dancel at Ebe Dancel.
Chris Padilla.
Earl "Tengal" Drilon.
Ivan Garcia at RA Rivera.
Tengal, Ivan, Jewel Angeles, at Chris.
Hindi mahulugang-karayom ang mga tao sa labas...
...At mas lalo naman sa loob.
Una at huling beses kong makapag-CR sa NU107 (hindi sa akin ang ihi).
Babae sa banyo.
Manong guard sa desk.
Kasama si DJ Any "Andy Banandy" Aguirre. Mukhang lukot na papel ang mukha ko rito dahil katatapos ko lang umiyak.
Kasama si DJ Pontri Bernardo. Hindi ko alam kung sino ang kumuha nito at kung bakit parang nakatitig ako sa kawalan.
DJ Jay Santiago. Crush na crush ko ang boses niya (at siya na rin) noong kadalagahan ko pa.
DJ Russ Davis.
Isa pang love team: Jay at Russ.
DJ Trish Cabral. Natawa naman ako sa mukha ni Jay.
DJ Zach Lucero.
DJ Francis "Francis Brew" Reyes. Paparazzi shot lang.
Huling sulyap.
Sa pagsapit ng huling oras ng NU107, ang bawat DJ na naroon ay nagpatugtog ng tig-isang kanta bilang pamamaalam. Ang station manager na si Cris "Cris Cruise" Hermosisima ang huling nagsalita. At kung "Video Killed the Radio Star" ng The Buggles ang sa MTV, "Ang Huling El Bimbo" ng The Eraserheads naman ang sa NU107.
Matapos ang Pambansang Awit, white noise na lang ang natira sa apat na taong pagbibigay-kulay sa buhay-high school ko noon. White noise na multo ng mahigit dalawang dekada ng musika at pagsisilbi sa kultura.
Ang NU107 ay hindi naging isang ordinaryong himpilan lang, isang lumilipas na uso--- ito ay isang classic. Corporate, oo, pero ibang usapin iyon. Sa 23 taon nitong nasa himpapawid, ang NU107 ay kaagad naging alamat. Hindi maipagkakaila ninumang naging makabuluhang bahagi ito ng youth culture. Ang musikang ibinida nito ay tumagos sa lahat ng uri ng kabataan, mula sa mga emotera ng Rizal hanggang sa spoiled rich kids ng Makati. Ito ang istasyong nagbigay-inspirasyon sa mga bata upang magtayo ng sarili nilang rock bands. Ito ang istasyong naghanda ng taunang Rock Awards upang parangalan ang local rock community. Manila-centric, oo, ngunit dapat isaalang-alang ang lubhang limitadong area na nasakupan nito. Ngayon, nabawasan na tayo ng isang venue para sa rock music, at hindi ko mapigilang masaktan kapag may nagsasabing ang NU107 ay naging isang himpilan lang na madaling pakawalan nang basta-basta.
Ngayon, "107.5 Win FM! Pinag-iisipan pa ba 'yan?" na ang gumagamit ng paborito kong megahertz. Pakiramdam ko ay para akong namatayan ng kaibigan at pinalitan ng kalawanging robot.
Sana ay hindi sapitin ng UR at Jam ang ganitong kapalaran.
Kayo, ano ang mga alaala ninyo kasama ang NU107?
Wow, you did a great super job in covering the last days of NU. sad!
TumugonBurahinSalamat, Lace! :)
TumugonBurahinI like Jam, the redemption of radio and good, i mean AWESOME music.
TumugonBurahinTotoo, maganda rin sila. Sana hindi pa magsara ang stations na nagse-serve ng good music. :)
TumugonBurahin7 years after, miss na miss q parin ang NU107 ..
TumugonBurahin