23 Disyembre 2010

Last Minute Gifts ba 'ka mo?

Noong nakaraang 23 Nobyembre ay ipinatawag ako at ang mga kaibigan kong bloggers ng Watsons para sa Watsons Beauty talk, isang conference na ginanap sa Cafe 1771, El Pueblo. Gusto ng sikat na drugstore na saksihan namin ang paglulunsad ng kanilang mga bagong produktong pampaganda.




Pero bago ang lahat, siyempre ay nag-outfit shots muna ang mga taga-FFT (Fashion Field Trippers). Acid wash denim jacket, Vivienne Westwood; Byzantine cross pendant, Forever 21; bag, Liz Claiborne; shorts, ukay-ukay.












Nakasama rin ng FFT sa pulong ang iba pang beauty bloggers.


Siyempre, mas maganda kami kaysa sa kanila. Biro lang. Pero totoo. Biro lang ulit. O baka totoo nga? 


Ipinakikilala ng Watsons ang Sakura Bella! Ito ang kanilang pinakabagong bath product line na may halong Sakura (Japanese Cherry Blossom) extracts na nagpapakinis at nagpapalambot ng balat sa bawat pagligo. Mula kaliwa: body scrub, lotion, maliit na travel version ng Sakura Bella products, at shower gel.


Facial care product line mula sa Clinelle. Mula kaliwa: Eye Bright, eye cream para sa eyebags; SnoWhite Mask, pampaputi; Purifying Toner, pampaliit ng pores; Caring Milk Cleanser, panghilamos; at Moisture Glow upang hindi matuyot ang balat.


Naglunsad din sila ng skincare products para sa mga mahilig maglakbay. Ang bawat 15ml sachet ng Pure Beauty Bon Voyage ay may takip sa dulo kaya't siguradong hindi mapipisa at magkakalat sa loob ng bagahe. Mula kaliwa: Perfect Daily Lotion, Firming & Lifting Mask, Essential Serum, at Remoisturising Night Cream.


Habang nagpupulong ay pinakain kami ng Watsons team. Isa sa mga putahe ay itong napakasarap na mocha-chocolate cake.


Salamat sa mababait na tao mula sa Watsons.




Pagkatapos ng Beauty Talk ay hinandugan ng kahon ang bawat isa sa amin. Ano kaya ang laman nito?

Tsa-raan! Pangkabuhayan showc---este, skincare at facial care products, bath products, deodorants, at pampabango ng higaan!


Sinubukan ko sa bahay ang mga produkto ng Pure Beauty Bon Voyage nang dalawang linggo upang malaman kung totoo nga ang mga pinagsasabi sa amin ng Watsons team.

Matapos ang labing-apat na araw ay ito ang naging epekto sa akin.


Bago subukan ang Pure Beauty Bon Voyage.


Pero puwera-biro, napansin kong lumambot at mas kuminis ang balat ko. Halos burado na ang pimple marks, at maging ang aking eyebags ay lumiit. Nakakatuwa dahil matapos ang dalawang linggong paggamit ay napakarami pa ring natira sa sachets. Ang pinakamaganda pa sa Pure Beauty Bon Voyage ay nagkakahalaga lamang ng P79.00 ang bawat sachet. 

 Sa palagay ko ay sasang-ayon ka sa akin kapag sinabi kong lahat tayo ay kailangan ng skincare products na sulit sa ating binabayad, maganda ang ibinibigay na resulta, at hindi nakakagalis ng balat. Kaya kung wala ka pang nabibili para sa kamag-anak o kaibigan ay tumakbo na sa Watsons dahil mainam na ipanregalo ang Pure Beauty Bon Voyage ngayong Pasko.

Maligayang flawless na Pasko sa ating lahat!



__________________________________________________
Maraming salamat kay Cole para sa outfit shots.





30 Nobyembre 2010

Like Glee on Shabu


Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay ay ipalalabas na ang pinakaimportanteng local independent film ng 2010. Bukas na, 1 Disyembre sa UP Film Institute, ang premiere ng Mondomanila!

Ang Mondomanila ay ang pinakahuling obra ng direktor na si Khavn Dela Cruz. Hango ito sa premyadong nobela ni Norman Wilwayco (Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2000). Ito ay isang "postmodernong pagsasalaysay ng 'Maynila sa Kuko ng Liwanag' ni Edgardo Reyes." Hindi lamang ginagalugad ng Mondomanila ang Maynila bilang isang nilalang, isinisiwalat din ng pelikula ang katwiran para sa kawalan ng katwirang isinasabuhay ng mga mamamayan ng lungsod.*

Ipalalabas ang Mondomanila mula Disyembre 1 hanggang 4, 5PM at 7PM (maliban bukas kung kailan 7PM lang ang screening). Mabibili ang tickets sa halagang P50.00 lang. Upang magpa-reserve, i-text lamang ang kahit sino sa sumusunod:

Stefan - 0915 890 6388
Kamy - 0917 501 5269
Ashley - 0927 575 6892

Narito ang official trailer. Hanapin mo ako.



See you there, motherfucker!









______________________________________________________________________
*Salin ng official press release mula sa Ingles.





18 Nobyembre 2010

Suede Camellia: Si Haider Ackermann na nga ba ang Susunod kay Karl Lagerfeld?

Balibalitang magreretiro na diumano sa 2012 si Karl Lagerfeld, ang chief designer ng Chanel. Pinabulaanan naman ito ni Lagerfeld at sinabing mayroon siyang panghabambuhay na kontrata sa tanyag na French fashion house. Nang tanungin kung sino ang gusto niyang pumalit sa kanya, isinagot niyang sa ngayon ay pinipili niya si Haider Ackermann upang magmana ng puwesto.

Pumasok si Karl Lagerfeld sa Chanel bilang chief designer noong 1983. Ang kanyang pamumuno roon ay nagbunsod ng mas interesante at kontemporanyong mga disenyo para sa RTW at Haute Couture lines ng kumpanya habang pinapanatili ang trademarks katulad ng perlas, paggamit ng tweed, camellias, at quilted chain bags. Siya rin ang responsable para sa kasalukuyang anyo ng Chanel 2.55 (Mademoiselle Lock at hindi CC logo ang lock ng orihinal na 1955 bag, at wala ring leather interlace ang chain straps nito).

Chanel Haute Couture A/W 2010-2011.


Chanel RTW S/S 2011.


Si Haider Ackermann ay isang Colombian-born fashion designer na nag-aral sa prestihiyosong Royal Academy of Fine Arts sa Antwerp, Belgium. Bagama't tatlong taon lamang tumagal sa paaralan, malawak naman ang karanasan ni Ackermann sa mundo ng fashion dahil sa pagtatrabaho sa iba't ibang kumpanya. Naglunsad siya ng unang collection noong 2001. Kilala si Haider Ackermann sa paggawa ng leather jackets at vests, at sa paghahalo ng mamahalin at street style.

Haider Ackermann A/W 2010-2011.

  
Haider Ackermann S/S 2011.



_________________________________________________________________________
Dito ko kinuha ang balita at ang mga larawan:


16 Nobyembre 2010

Amaya Arzuaga Primavera/Verano 2011

Ang pagkahilig ko sa architectonic (matigas, detalyado, at sumusunod sa prinsipyo ng architecture; KARANIWANG PAGKAKAMALI ang paggamit ng terminong 'architectural' sa fashion) na mga disenyo ay nagdala sa akin sa isang Spanish fashion designer na si Amaya Arzuaga.

Si Amaya Arzuaga ay nagtapos ng kursong Fashion Design sa Universidad Politecnica de Madrid noong 1992. Noong 1994, itinatag niya ang sariling pangalan at nagsimulang magtanghal ng fashion shows sa Madrid, Barcelona, New York, Milan, Paris, London, at iba pang fashion capitals. Ibinebenta ngayon ang kanyang collections sa 37 bansa.

Ito ang napili kong mga piyesa mula sa kanyang pinakahuling collection sa Paris Fashion Week:

First look.

















Kilala si Arzuaga sa paggamit ng mga kulay na maputla at magaan sa mata upang mapalutang ang istruktura ng mga damit niya, ngunit kumabig siya ngayon sa kanyang routine at nagpasok ng ilang matitingkad na piyesa.









At ang finale.



Ang gusto ko sa Spanish fashion designers ay hindi sila nagpapatali sa kumbensyon. Kaya nilang magpakabaliw sa pagdidisenyo nang walang pinapansing labeling o pagkakahon. Sana ay kilalanin din sila ng local fashion bloggers katulad ng pagkilala nila sa ibang mas sikat pang designers, at tularan ng local fashion designers pagdating sa prinsipyo.


___________________________________________________________________
Dito ko kinuha ang mga larawan:

15 Nobyembre 2010

Support your Local Fashion Designer

Simula ngayong Lunes pagsapit ng 10:00 ng gabi, dakmain na ang remote control at ilipat ang channel sa ETC at manood ng Gen M: The Mega Young Designers Competition 2011. Alam kong gagawin ko ito dahil nandun sina Santi Obcena, Russell Villafuerte, at Anton Belardo.


Tandaan: Kada Lunes, 10:00 ng gabi sa ETC!


Star Complex

Family picture: Jacket na pinunit upang maging asymmetrical-sleeved top; pantalon, Jag; bag, Oxygen; combat boots, Gibson's, Quiapo (oo, yung pang-ROTC talaga); kuwintas at mga pulseras, Recto; leather fingerless gloves, hiniram sa nanay kong motorcycle mama at PhD (malamang, hindi na si Mama Mary iyon); at sinturon, hiniram kay Szusza Velasco.


Si Thysz Estrada at si Mike Magallanes na naka-Bleach Catastrophe x Heather Miss Grey top. Ako lang sa aming tatlo ang hindi nagpa-blow dry at plantsa.


Nicola Yulo, Michelle Solinap, Aivan Magno, at Nicole Puentevella.


Si Mike at si Edrick Bruel, kasama ang nanay ni JP Singson na huwaran ng timeless elegance. Gusto kong hiklasin ang Hermes Kelly ni madam. Isang beses talaga.


JP Singson.


Kookie Buhain. Sayang, hindi ko nakunan ang kabuuan ng Jeffrey Campbell Foxy platform heels niya.


Cole.


Mithi Lacaba at Maki Navarrete.


Mithi.


Katrina Ong ng Complex. 


Electrolychee.


Brendan Goco, Nelz Yumul, at Raymund Cifra ng Wee Will Doodle.


Sapatos...



...Sapatos...


...At sapatos pa. Ay, may caps din pala sila.



Meron din silang hoodies at T-shirts. Wow. Puwede palang ibenta yun lahat sa iisang tindahan lang?



Window displays.



13 Nobyembre 2010, Sabado--- may bagong star ang Eastwood Mall. Nagsimulang ilunsad ang Complex Lifestyle Store sa atrium noong 5PM. Bumaha ng mga pika-pika, burgers, at beer sa saliw ng bandang Us-2 Evil-0. Naroon din para magpinta ang mga grupong Electrolychee at Wee Will Doodle.

Maraming salamat kina Garovs Garovillo at Ryan Vergara ng Everywhere We Shoot, at Onyong Castillo at Katrina Ong ng Complex Lifestyle Store para sa pag-iimbita. Salamat din para sa goodie bag. Nagustuhan ko ang notepad, dog tag necklace, lookbook, press kit, at CD ng remixed Bossa Nova classics na ibinigay ninyo.


Kung mahilig ka sa urban street style, magpunta na sa Complex sa ikalawang palapag ng Eastwood Mall. Mayroon din silang branch sa Ayala Center kung ikaw ay nasa Cebu. Puno ang kanilang outlets ng mga paninda mula sa Energie, Ecko, Nooka, Pony, Ray-Ban, G-Shock, Zoo York, Creative Recreation, at Dean and Trent. Kilala ang mga tatak na ito sa paggawa ng pawang magaganda at matitibay na produkto lang, kaya't siguradong sulit ang lakad at gastos mo.