23 Disyembre 2010

Last Minute Gifts ba 'ka mo?

Noong nakaraang 23 Nobyembre ay ipinatawag ako at ang mga kaibigan kong bloggers ng Watsons para sa Watsons Beauty talk, isang conference na ginanap sa Cafe 1771, El Pueblo. Gusto ng sikat na drugstore na saksihan namin ang paglulunsad ng kanilang mga bagong produktong pampaganda.




Pero bago ang lahat, siyempre ay nag-outfit shots muna ang mga taga-FFT (Fashion Field Trippers). Acid wash denim jacket, Vivienne Westwood; Byzantine cross pendant, Forever 21; bag, Liz Claiborne; shorts, ukay-ukay.












Nakasama rin ng FFT sa pulong ang iba pang beauty bloggers.


Siyempre, mas maganda kami kaysa sa kanila. Biro lang. Pero totoo. Biro lang ulit. O baka totoo nga? 


Ipinakikilala ng Watsons ang Sakura Bella! Ito ang kanilang pinakabagong bath product line na may halong Sakura (Japanese Cherry Blossom) extracts na nagpapakinis at nagpapalambot ng balat sa bawat pagligo. Mula kaliwa: body scrub, lotion, maliit na travel version ng Sakura Bella products, at shower gel.


Facial care product line mula sa Clinelle. Mula kaliwa: Eye Bright, eye cream para sa eyebags; SnoWhite Mask, pampaputi; Purifying Toner, pampaliit ng pores; Caring Milk Cleanser, panghilamos; at Moisture Glow upang hindi matuyot ang balat.


Naglunsad din sila ng skincare products para sa mga mahilig maglakbay. Ang bawat 15ml sachet ng Pure Beauty Bon Voyage ay may takip sa dulo kaya't siguradong hindi mapipisa at magkakalat sa loob ng bagahe. Mula kaliwa: Perfect Daily Lotion, Firming & Lifting Mask, Essential Serum, at Remoisturising Night Cream.


Habang nagpupulong ay pinakain kami ng Watsons team. Isa sa mga putahe ay itong napakasarap na mocha-chocolate cake.


Salamat sa mababait na tao mula sa Watsons.




Pagkatapos ng Beauty Talk ay hinandugan ng kahon ang bawat isa sa amin. Ano kaya ang laman nito?

Tsa-raan! Pangkabuhayan showc---este, skincare at facial care products, bath products, deodorants, at pampabango ng higaan!


Sinubukan ko sa bahay ang mga produkto ng Pure Beauty Bon Voyage nang dalawang linggo upang malaman kung totoo nga ang mga pinagsasabi sa amin ng Watsons team.

Matapos ang labing-apat na araw ay ito ang naging epekto sa akin.


Bago subukan ang Pure Beauty Bon Voyage.


Pero puwera-biro, napansin kong lumambot at mas kuminis ang balat ko. Halos burado na ang pimple marks, at maging ang aking eyebags ay lumiit. Nakakatuwa dahil matapos ang dalawang linggong paggamit ay napakarami pa ring natira sa sachets. Ang pinakamaganda pa sa Pure Beauty Bon Voyage ay nagkakahalaga lamang ng P79.00 ang bawat sachet. 

 Sa palagay ko ay sasang-ayon ka sa akin kapag sinabi kong lahat tayo ay kailangan ng skincare products na sulit sa ating binabayad, maganda ang ibinibigay na resulta, at hindi nakakagalis ng balat. Kaya kung wala ka pang nabibili para sa kamag-anak o kaibigan ay tumakbo na sa Watsons dahil mainam na ipanregalo ang Pure Beauty Bon Voyage ngayong Pasko.

Maligayang flawless na Pasko sa ating lahat!



__________________________________________________
Maraming salamat kay Cole para sa outfit shots.





4 (na) komento:

  1. waahahahahaha love u stefan
    -karl l.

    TumugonBurahin
  2. Di ko kinaya hahahaa
    Natuwa naman ako at nadiskubre ko ang blog mo :)
    Also, are you from UP Diliman? I think I've seen you before :)

    TumugonBurahin
  3. wow ayos ang mga blog entries mo, lahat sa Tagalog! nakakatuwa :). ipagpatuloy mo lang tol!

    TumugonBurahin
  4. Potah ka, bakla. Nabokot ako sa huling pichur. Ang sushal naman ng location ng event nyo ha

    TumugonBurahin